^

PM Sports

Lamang si Pringle kay Fajardo

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Napanatili ni Stanley Pringle ang bahagyang lamang nito kay June Mar Fajardo sa dikdikang Most Valuable Player race matapos ang 2018 Philippine Basketball Association (PBA) season.

Sa loob ng tatlong conferences ay nakalikom ang Northport guard ng 35.5 statistical points upang makuha ang manibela sa karera para sa pinakamataas na parangal ngayong taon.

Nasa dikit na segunda naman ang San Miguel center na si Fajardo na may 33.1 SPs.

Bunsod ng dalawang Best Player of the Conference sa Philippine Cup at Commissioner’s Cup, nasa bulsa na sana ng 6’10 na si Fajardo ang MVP plum subalit natalisod ito ng right shin injury.

Iyon ang dahilan ng kanyang pagkakatengga sa Governors’ Cup kung saan tatlong laro lang siyang sumalang at nagkasya lamang sa 10.67 SPs.

Malayo iyon sa naipon na 34 SPs ni Pringle na sinamantala ang injury ni Fajardo upang maagaw ang unahan ng MVP race.

Sa kabila naman ng kaunting kalamangan na ito ni Pringle, paborito pa rin si Fajardo para sa naturang parangal dahil sa dalawang BPC nito.

Kung sakali, ito ang magiging ikalimang sunod na MVP ni Fajardo at maglalagay sa kanya sa makasaysayang puwesto sa PBA. Sa ngayon kasi ay katabla pa niya sina Alvin Patrimonio at Ramon Fernandez tangan ang tiga-apat na MVPs.

Samantala, kinumpleto naman nina Japeth Aguilar (32.3) ng Ginebra, Sean Anthony (31.3) ng Northport at Matthew Wright (31.0) ng Phoenix ang top five na kandidato para sa MVP.

Pasok naman sa top 10 candidates sina Marcio Lassiter (29.8), Arwind Santos (29.77) at Alex Cabagnot (29.74) ng San Miguel gayundin sina Scottie Thompson (29.6) ng Ginebra at JP Erram (28.5) ng  Blackwater.

Sa karera naman ng Rookie of the Year, mil-ya-milya ang lamang ni Phoenix big man Jason Perkins sa naipon nitong 32.2 points kumpara sa segunda na si Jeron Teng ng Alaska na may 18.7 puntos lamang.

Hindi naman nagkwa-lipika bilang kandidato para sa pinakamagaling na freshman ngayong taon ang top rookies na sina Christian Standhardinger ng SMB at Kiefer Ravena ng NLEX.

Hindi kasi nakapag-laro sa Philippine Cup si Standhardinger bunsod ng kanyang naunang commitment sa Hong Kong sa Asean Basketball League habang si Ravena naman ay sinuspinde ng International Baskebtall Federation (FIBA) ng 24 na buwan simula pa noong Mayo.

Paparangalan ang mga magsisipagwaging manlalaro sa pagbubukas ng 44th PBA Season sa Enero 13 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

vuukle comment

FAJARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with