Dota 2 lalaruin sa 2019 SEA Games
MANILA, Philippines — Natukoy na ang lima sa anim na online games na lalaruin sa nakatakdang debut ng electronic sports bilang opisyal na medal event sa 30th Southeast Asian Games sa susunod na taon dito sa bansa.
Ito ay ang Dota 2 at StarCraft sa Personal Computer (PC) games, Mobile Legends Bang Bang! at Arena of Valor sa mobile games, habang ang Tekken 7 naman sa console games ayon sa desisyon ng Philippine SEA Games Organizing Committee katuwang ang world gaming brand na Razer.
Anim na medalya ang nakataya sa anim na e-sports events dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon sa 30 edisyon ng SEAG o ng kahit anong sports tournament na isasali ang online gaming.
“In the three weeks since we announced esports as a medal event at SEA Games 2019, we’ve seen a phenomenal level of interest from all segments of the industry, most of all game publishers,” wika ng Razer co-founder at CEO na si Min-Liang Tan. “The shortlisting of six games in such a short time is evidence that the notion of esports as a legitimate sporting event is no longer a fad. We look forward to having more partners come on board and join us in defining a new generation of sporting heroes for the youth and millennials.”
Noong Nobyembre inanunsyo ang pagkakasali ng E-sports sa SEAG matapos aprubahan ng SEA Games Federation Council bilang isa sa 56 medal events — pinakamarami sa kasaysayan ng SEA Games.
Nauna nang idinaos bilang demonstration event ang E-sports sa katatapos lamang na 18th Asian Games sa Jakarta, Indonesia noong Agosto.
Sa panig ng Pilipinas na siyang unang bansang magpapakilala ng e-sports sa kaysaysayan ng palakasan, bubuksan nila sa lahat ang kuwalipikasyon upang maging kinatawan ng bansa sa SEA Games kontra sa 11 pang ibang nasyon.
- Latest