^

PM Sports

La Salle-Dasma inilista ang unang panalo

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kaagad napigilan ng De La Salle University-Das­­­mariñas ang Colegio San Agustin-Biñan pa­tu­­­ngo sa 25-23, 25-18, 21-25, 25-16 panalo para wa­­kasan ang kampanya sa Philippine Superliga Collegiate Grand Slam ka­­hapon sa Mall of Asia Are­na sa Pasay City.

Malakas na puwersa ang nanggaling kay Rain Cyrill Ramos nang magtala ng 14 puntos na lahat ay ga­ling sa attacks para man­duhan ang Lady Patriots sa attack line at net defense.

Ito ang unang panalo ng La Salle-Dasma sa li­mang laro para saluhan ang San Agustin sa No. 5 spot na may parehong 1-4 baraha sa pagtatapos ng eli­­minasyon.

“Finally nakuha namin ‘yung panalo dito sa PSL. Ang gandang exit po ito para sa amin dahil lahat ng training namin, ‘yung pagod namin nagbunga na po at last. Iyong huwag sumuko, ‘yun ang natutunan namin dito sa PSL. Push through pa rin,” ani Ramos.

Nakatuwang ni Ramos sa matikas na ratsada si team captain Eunice Castillo na humataw ng pi­tong attacks kabilang ang game-winning hit ka­sama pa ang anim na aces at tatlong blocks sa para sa La Salle-Dasma.

“Nakinig lang kami sa coaches namin and at the same time i-apply ‘yung mga ginagawa namin sa training. Ise-celebrate namin ‘yung panalo namin dito sa PSL,” sambit ni Cas­tillo.

Nanguna naman para sa San Agustin si Lency Duarte na nagrehistro ng 12 attacks at isang ace.

Maghaharap bukas ang University of Santo To­­mas at University of the Philippines sa championship round sa alas-4 ng hapon at ang battle-for-bronze match ng Uni­versity of the East at FEU sa alas-2 sa The Arena. 

 

 

vuukle comment

LA SALLE-DASMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with