^

PM Sports

Aguilar pinapirma ng Ginebra ng 3-yr extension contract

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Walang ibang pupun­tahan ang Barangay Gi­nebra big man na si Ja­peth Aguilar, bagkus ay ma­nanatili pa siya ng tatlong taon sa crowd-favorite team ng Philippine Basketball Association.

Ito ay matapos siyang pumirma ng higanteng three-year contract extension deal sa Gin Kings kung saan maghahari pa siya hanggang sa 2021.

Tumataginting na P15.12 milyon ang halaga ng bagong kontrata ni Aguilar na siyang pinaka-malaki niyang kontrata sa buong karera simula nang pumasok sa PBA noong 2009 bilang first overall pick.

Pabuya ito ng Gin Kings sa 6’9 big man na naging malaking piraso na ng koponan buhat nang mai-trade ito noong 2013.

Sa kampo ng Ginebra ay sumibol si Aguilar bilang isa pinakamaga­ling na big man sa liga ka­sabay noon ang pag-angat niya bilang isa sa franchise players ng koponan kasama ang iba pang mga beteranong si­na Mark Caguioa, Joe De­vance, Greg Slaughter at LA Tenorio maging ang rising superstar na si Scottie Thompson.

Ngayong taon, pinatunayan lalo ng 31-anyos na si Aguilar iyon nang magtala ng mga career-highs na 16.4 points, 6.8 rebounds, 1.9 assists at 1.2 blocks sa 48 laro ng Gin Kings na nakapasok sa semifinals sa lahat ng komperensyang nakala­tag ngayong ta­on.

Isa rin si Aguilar sa da­hilan ng kampeonato ng Ginebra sa PBA Commissioner’s Cup ngayong taon na siyang una nilang titulo sa mid-season conference ng PBA sa loob ng 21 taon o simula nang huling magwagi noong 1997 PBA Commissio­ner’s Cup.

Naging kandidato rin si Aguilar sa bawat con­fe­rence ngayong season na dahilan ng pagiging kandidato niya rin sa pagka-Most Valuable Pla­yer ngayong taon bukod pa ang regular stint  bi­lang resident national team member ng Gilas Pilipinas.

vuukle comment

AGUILAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with