^

PM Sports

Petron lumapit sa korona ng AFC

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Rumatsada ang Petron Blaze Spikers para ku­­nin ang 25-23, 25-11, 25-17 panalo laban sa F2 Logistics sa Game One para makalapit sa ina­­asam na kampeonato sa Philippine Superliga All-Filipino Conference kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nagtulong sina Sisi Ron­dina, Bernadeth Pons at Aiza Maizo-Pon­tillas para buhatin ang Blaze Spikers sa 1-0 bentahe sa kanilang best-of-three championship series.

“Stick to game plan lang kami. Kaila­ngan huwag lang kami ma­wala lalo na medyo slow start kami kanina,” ani Rondina na umiskor ng 11 attacks.

Gumawa rin ng mga krusyal na puntos sina Re­­my Palma at Mika Re­­yes mula sa maga­gan­­dang sets ni Rhea Di­­­maculangan para sa Blaze Spikers.

Ito ang ika-13 sunod na panalo ng Petron pa­ra makadikit sa tangkang sweep sa komperensi­ya.

Nagawa na ito ng Blaze Spikers noong 20­15 matapos walisin ang lahat ng kanilang asig­natura para makuha ang All-Filipino Conference title.

Samantala, tinalo naman ng Ge­nerika-Ayala ang Cignal, 25-12, 30-28, 25-13, para sa third-place trophy.

Pinamunuan ni Pat­ty Orendain ang mga Life­sa­­vers mula sa kanyang tinapos na 11 points, 4 blocks at 1 ace.

 

 

vuukle comment

AFC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with