Ramirez sa NSAs: Umayos kayo
MANILA, Philippines — Umaasa si Philippine Sports Commission chairman William ‘Butch’ Ramirez na sa unang tatlong buwan ng 2019 ay mareresolbahan na ang mga internal problems ng ilang nagkakagulong National Sports Associations.
Ito ay para maging matagumpay ang pamamahala ng bansa sa 30th Southeast Asian Games na itinakda sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 10 ng susunod na taon sa Clark, Pampanga.
“In the first quarter of 2019 the NSAs should be able to resolve their internal problems,” sabi ni Ramiirez. “Sabi ko nga, autonomous sila pero kami ang nagbibigay ng budget para sa mga programa nila, kaya may karapatan kaming makialam.”
Naniniwala rin ang PSC chief na muling mapapasakamay ng mga Filipino athletes ang overall championship sa SEA Games matapos noong 2005 na idinaos sa bansa.
Kumpiyansa si Ramirez na matutuloy ang pagpapatayo ng Philippine Sports Training Center sa Rosales, Pangasinan para sa mga national athletes.
Samantala, sinabi naman ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia na malaki ang maitutulong sa turismo ng pangangasiwa ng bansa sa 2019 SEA Games.
“We assure you that we will continue to press reforms in the next years as we have laid out in the PDP (Philippine Development Plan),” sabi ni Pernia.
- Latest