^

PM Sports

Apat na sunod sa San Antonio

Pang-masa
Apat na sunod sa San Antonio
Pa-layup si LaMarcus Aldridge ng San Antonio laban kay Danilo Gallinari ng LA Clippers.

SAN ANTONIO -- Dumiretso ang Spurs sa kanilang pang-apat na sunod na arangkada matapos gibain ang bisitang Los Angeles Clippers, 125-87 tampok ang 27 points ni center LaMarcus Aldridge.

Nag-ambag si Rudy Gay ng 21 points habang naglista si DeMar DeRozan ng 14 points at 7 assists para sa San Antonio, nilimitahan ang kalaban sa 100 points sa pangatlong dikit na laro at naipanalo ang unang apat sa kanilang six-game homestand.

Ito ang pinakamala-king winning margin ng Spurs ngayong season.

Pinamunuan naman ni Tobias Harris ang Clippers sa kanyang 17 points samantalang nag-ambag sina Danilo Gallinari at Avery Bradley ng tig-15 markers.

Naisuko ng Los Angeles ang ikalawang sunod nilang panalo at pang-apat sa huling limang asignatura.

Sa Houston, ibinalik ang reigning MVP na si James Harden sa huling limang minuto ng fourth period at umiskor ng 11 points para tulungan ang Rockets na talunin ang Lakers ni LeBron James, 126-111.

Tumapos si James na may 50 points, 10 rebounds at 11 assists para sa kanyang ikalawang triple-double ngayong season at pang-37 sa career niya.

Sa Mexico City, nagposte si Nikola Vucevic ng 26 points, tampok ang kanyang tiebreaking jumper sa huling 28 segundo ng fourth period para akayin ang Orlando Magic sa 97-91 tagumpay laban sa Chicago Bulls sa una sa dalawang laro ng liga sa Mexico.

Nagtala din si Vucevic ng 10 rebounds at nag-ambag naman si guard D.J. Augustin ng 15 points para tapusin ang tatlong sunod na kamalasan ng Magic.

vuukle comment

SAN ANTONIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with