^

PM Sports

San Sebastian pinasuko ang EAC

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinasuko ng San Sebastian College-Recoletos ang Emilio Aguinaldo College, 25-19, 25-20, 26-24, para masolo ang ikatlong puwesto sa NCAA Season 94 women’s volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Naasahan ng Lady Stags sina Joyce Sta. Rita na kumana ng 11 puntos at Nikka Dalisay na naglista ng 10 hits para dalhin ang San Sebastian sa 4-1 marka.

Nagdagdag si Shannel Requerme ng siyam na puntos habang may walong hits si Mary Rhose Dapol sa panig ng Lady Stags.

Wala pa ring panalo ang Lady Generals sa limang laro. Nawalan ng saysay ang 14 puntos ni Jaylene May Lumbo para sa EAC.

Sa ikalawang laro, mabilis na pinabagsak ng University of Perpetual Help System Dalta ang Colegio de San Juan de Letran, 25-9, 25-13, 25-12, upang masolo ang No. 5 spot.

Walang sinayang na sandali ang Lady Altas nang pamunuan nina Maria Bianca Tripoli at Jen Gavio-la ang atake para kubrahin ang ikatlong panalo sa limang laro.

Parehong nagtala sina Tripoli at Gaviola ng 10 puntos habang nagdagdag naman sina Cindy Imbo at Jowie Versoza ng tig-walong puntos sa larong tumagal lamang ng halos isang oras.

Walang manlalaro ng Lady Knights ang nakakuha ng double digits kung saan tanging anim na puntos ang naitala ni Jhay Parin – ang top performer ng tropa.

Lumasap ang Letran ng ikaapat na kabiguan laban sa nag-iisang panalo.

vuukle comment

SAN SEBASTIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with