^

PM Sports

MVP gustong ilagay si Baldwin sa Batang Gilas

Pang-masa
MVP gustong ilagay si Baldwin sa Batang Gilas
Manny V. Pangilinan

MANILA, Philippines — Kung si sports patron Manny V. Pangilinan ang papipiliin, nais niyang si Ateneo De Manila University mentor Tab Baldwin ang huma-wak ng national youth team na Batang Gilas.

Ito ang inamin ng Samahang Basketbol ng Pilipinas Chairman Emeritus na si Pangi-linan kasunod ng isa na namang tagumpay ni Baldwin sa University Athletic Association of the Philippines.

“This is my personal view: I think that Tab should be the Batang Gilas coach because he’s very good with the young kids and so forth and so on,” ani Pangi-linan sa isang panayam.

Magugunitang nitong nakaraang linggo lamang ay inakay ng American-Kiwi coach ang Blue Eagles sa ikalawang sunod na UAAP championship nito matapos makumpleto ang pagwalis sa Uni-veristy of the Philippines, 2-0 sa Season 81 men’s basketball Finals.

Nilinaw naman ni Pangilinan na hindi niya magiging desisyon ang pagbabalik ni Baldwin sa national team, kungdi ng SBP mismo na pina-ngungunahan ngayon ni President Al Panlilio.

“But that would have to be an SBP decision,” aniya.

Ayon kay Pangilinan, lalong mapapalakas ni Baldwin ang Batang Gilas na naging matagum-pay sa international youth play nitong nakalipas na dalawang taon.

“I think he deserves it and it would be good for the country if he’s with us. But we have to make sure that he can take on the traditional job and at the same time Ateneo,” dagdag ni Pangilinan.

Tinatrangkuhan ng 7’1 teen sensation na si Kai Sotto, nagpabilib ang Batang Gilas sa mga nakaraang taon nang magkampeon sa 2017 Southeast Asian Basketball Association (SEABA) championship at pumang-apat sa 2017 International Basketball Federation (FIBA) Under-16 Asia Championship.

Ang semis appearance na iyon sa U-16 ay dahilan ng pagpasok ng Batang Gilas sa 2018 FIBA U-17 World Cup na ginanap sa Argentina kung saan pumang-13 ang Pinas.

Nitong taon lamang ay pumang-apat din ang Batang Gilas sa FIBA Asia U-18 Championship upang makapasok sa 2019 FIBA U-19 World Cup.

vuukle comment

BATANG GILAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with