^

PM Sports

Son Also Rises nakapagpasiklab

Pang-masa

MANILA, Philippines — Nilagpasan ng Son Also Rises ang mga kalaban sa maiksing 1,200-meter race para makopo ang 2018 Philippine Racing Commission’s Grand Sprint Championship title sa Metro Turf sa Malvar, Tanauan City, Batangas noong Linggo.

 

Sakay ng multi-titled jockey na si JB Hernandez ang kabayong pagmamay-ari ni Benhur Abalos, iniwanan ng Son Also Rises ang mga kalaban sa stretch  para sa four-length victory kontra sa pumangalawang Pinagtipunan.

Maagang umariba ang Lakan ngunit nagawang makipagsabayan ng Son Also Rises sa huling 400m bago makuha ang unahan sa last 150 meters bago kumaripas tungo sa panalo.

“Kumpiyansa kami sa takbo namin kasi kilalang-kilala ko na itong kabayo ko (Son Also Rises) pati ‘yung kalaban namin na si Lakan sa simula, kaya alam ko na ang galaw nu’ng kalaban namin,” sabi ni Hernandez. “Pagkakuha namin sa diretso, tuluy-tuloy na.”

Unang major stakes race victory ito ng tambalan.

“Marami na kaming panalo na minor races, pero ito ang unang malaki na nakuha namin. Hopefully, may mga kasunod pa,” sabi pa ni  Hernandez.

Nagsubi ang Son Also Rises ng top purse na P600,000 para kay Abalos Jr. mula sa guaranteed P1 million total prize na inilaan ng Philracom kabilang ang tropeo para sa mga owner, jockey at trainer habang may P20,000 ang breeder.

Ang Pinagtipunan at ang rider nitong si MB Pilapil ay nagkasya sa P225,000 bilang runner-up finish habang ang Lakan at si jockey RM Garcia ay may P125,000 bilang third place. Ang fourth-placer na Dinalupihan na sinakyan ni MA Alvarez ay nag-uwi ng P50,000. - Vince Nuguid

vuukle comment

PHILIPPINE RACING COMMISSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with