^

PM Sports

2-0 tangka ng Magnolia

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa 100-84 paggiba ng Magnolia sa Alaska sa Game One ng kanilang championship series noong Miyerkules ay naging sandata ng Magnolia sina guards Mark Barroca, Paul Lee at Jio Jalalon.

 

Umiskor sina Barroca, Lee at Jalalon ng pinagsamang 37 points para ibigay sa Hotshots ang 1-0 bentahe sa kanilang best-of-seven titular showdown ng Aces para sa 2018 PBA Governor’s Cup.

Kumolekta rin ang 5-foot-8 na si Jalalon ng 12 rebounds at 9 assists.

“Magkakatalo sa backcourt, kaya gusto namin na at least i-match ang energy at effort ng guards nila,” sabi ng 32-anyos na si  Barroca, tumapos na may 16 points kasunod ang 14 at 7 markers nina Lee at Jalalon, ayon sa pagkakasunod.

Pipilitin ng Magnolia na maitayo ang malaking 2-0 abante sa pasagupa sa Alaska sa Game Two nga-yong alas-7 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Humakot si import Romeo Travis ng 29 points at 13 rebounds sa series opener at muling aasahan ng Hotshots kasama sina Barroca, Lee at Jalalon.

“There’s a long way to go. Hindi kami dapat mag-relax,” wika ni coach Chito Victolero. “Kailangan naming mag-push pa because it’s a best-of-seven series. Isa pa lang nakukuha namin.”

Wala namang plano ang Aces na malubog sa 0-2 sa serye at determinadong tumabla sa pangunguna nina import Mike Harris, Vic Manuel, Chris Banchero, JVee Casio at Simon Enciso.

Aminado si mentor Alex Compton na wala sa kanilang porma ang Alaska.

“We did look very rusty. Hopefully, we’ll be fresher Friday. I’ve got to tell our guys we’re playing the team that’s playing the best basketball team in the league right now,” ani Compton.

Binuksan ng Hotshots ang laro sa pamamagitan ng 15-0 hanggang itayo ang 21-point lead, 77-56 sa dulo ng third period. Nagawa namang makalapit ng Aces sa 76-84 sa huling apat na minuto ng final canto bago tuluyang bumitaw para isuko ang laban.

vuukle comment

MARK BARROCA

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with