Milo Marathon Finals sa Linggo sa Laoag
MANILA, Philippines — Magtatapos ang 42nd season ng National Milo Marathon (NMM) sa pagdaraos ng National Finals sa Laoag City sa Linggo.
Tinatayang 12,000 runners sa iba’t age groups at race categories – 3K, 5K, 10K, 21K at 42K National Finals ang makikibahagi sa karera na magsisimula at magtatapos sa Laoag Centennial Arena kung saan kasama ang 800 elite runners na nag-qualify mula sa iba’t ibang regional legs.
Sa season na ito, ipinakita ng National Milo Marathon na maraming matututunan sa event na ito sa temang “Magsama-sama, Tumakbo, Matuto” para magkaroon ng disiplina, determinasyon at patuloy na pakikibaka sa buhay.
Ang karera ay bahagi ng selebrasyon ng Provincial bicentennial anniversary.
Ang mananalo sa 42K event ay tatanghaling Milo Marathon King at Queen na parehong makakatanggap ng tropeo at premyo bukod pa sa tsansang lumaban sa isang international race sa 2019 tulad ng inihayag ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA).
Bukod pa rito, ang Milo Marathon King and Queen ang mga magiging runners to beat na mga aspiring contenders para sa 2019 SEA Games na iho-host ng Pinas.
- Latest