^

PM Sports

Veteran actress na suwerte sa career hindi nakopya ng anak

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Iba talaga ang suwerte sa kanyang career ng veteran actress na ito na nakilala noong una bilang beauty queen.

Aba, patapos pa lang ang kanyang primetime series na kinabibilangan sa isang TV network ay may early primetime series na kaagad na naghihintay para sa kanya sa dating TV network na pinangga­lingan niya.

Umeere na ang early primetime series na papasukan ni veteran actress at magsisimula kaagad siya roon kapag natapos na ang existing series niya.

Suwerte nga si veteran actress dahil hindi siya nawawalan ng regular TV series, huh!

At ang maganda, nakakalipat-lipat siya sa dalawang magkalabang TV networks, ‘noh?!

Saka in fairness to her, hindi na-duplicate ng anak niya na nag-artista rin ang naging tagumpay niya sa kanyang acting career.

Kathryn maraming nakuha kay Sharon

Nagkaroon ng premiere night sa Pasadena, California ang Three Words To Forever at nag-attend doon si Kathryn Bernardo.

Successful ‘yon.

Puno nga ang venue at sa pictures na pinost ng isang kaibigan ko na nagpunta roon, talaga namang pinagkaguluhan ng kanyang mga fan ang girlfriend ni Daniel Padilla.

Napanood ko rin ang interview kay Kathryn sa event na ‘yon kung saan ay sinabi niyang maraming advices in life ang ibinigay sa kanya ni Megastar Sharon Cuneta habang ginagawa nila ang pelikula.

Natuwa nga raw pala kay Kathryn ang mga nagpunta sa premiere night dahil siya mismo ang nagsabing gusto niyang magpa-picture na kasama ang mga fan.

Importante nga kay Kathryn ang mga fan na palaging nakasuporta sa kanya!

Morissette mas mabenta sa abroad!

Isa si Morissette Amon sa mga pinarangalan sa ASAP Natin ‘To kapag dahil sa karangalang natamo abroad.

Actually, mabenta rin pati sa shows abroad si Morissette.

Napansin nga lang ng isang kaibigan ko sa Amerika na parang na­pa­ka­­ra­ming tanggap na shows ni Mo­rissette sa Ame­rika at na­tatakot siya na ba­ka pagsawaan kaagad ng mga tao roon ang singer.

Pero baka naman kasi na­ni­niwala lang si Morissette at ang kanyang management team sa kasabihan na strike while the iron is hot?!

Well...

Pagkatalo ng UP, ikinalungkot ng maraming taga-showbiz

Maraming taga-showbiz ang na-sad sa pagkatalo ng UP Fighting Maroons sa game one ng UAAP season 81 finals noong Saturday.

Umaasa sila na sa Wednesday ay makakabawi ang basketball team ng UP against Ateneo.

Siyempre, maraming supporters naman ng Ate­neo ang umaasa rin na sa Wednesday ay magtsa-champion na sila.

In fairness, dahil sa UAAP season 81 ay mara­ming nakatutok ngayon sa ABS-CBN Sports & Action.

vuukle comment

MORISSETTE AMON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with