^

PM Sports

Blaze Spikers kinumpleto ang sweep sa elims

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mainit ang harurot ng reigning champion Petron nang payukuin ang Smart Giga Hitters, 25-23, 25-13, 25-12, upang makumpleto ang sweep sa eliminasyon sa Philippine Superliga All-Filipino Conference ka­hapon sa Caloocan Sports Complex.

Walang makapigil sa Blaze Spikers na tumuloy sa 10-0 rekord na dadalhin nila sa quarter­final round.

Nakalapit ang Blaze Spikers sa tangkang ma­duplika ang kanilang pag­walis sa All-Filipino no­ong 2015 kung saan nagrehistro ang tropa ng 13-0 rekord para ma­kuha ang kampeonato.

Halimaw sa pagkaka­taong ito si Remy Palma na nagrehistro ng 15 points mula sa pitong attacks, limang aces at tatlong blocks, samantalang naasahan din si middle blocker Mika Reyes na may anim na attacks, apat na blocks at isang ace.

Malaki rin ang kon­tri­busyon ni team captain Ces Molina gayundin sina Sisi Rondina, Ber­nadeth Pons, Aiza Mai­zo-Pontillas at playmaker Rhea Dimacula­ngan na siyang nagmando sa opensa ng Blaze Spi­kers.

Tinapos ng Giga Hitters ang eliminasyon hawak ang 4-6 baraha.

Sa Collegiate Grand Slam, pinataob ng Uni­ver­sity of Santo Tomas ang University of the Philippines, 25-22, 25-17, 25-19.

Ginulantang naman ng Colegio San Agustin-Biñan ang Far Eas­tern University, 25-17, 25-22, 12-25, 18-25, 15-12, para hablutin ang kanilang pambuena­ma­nong panalo sa tatlong pagsalang.

 

vuukle comment

BLAZE SPIKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with