^

PM Sports

Guiao inako ang responsibilidad sa kabiguan ng Team Philippines sa Kazakhstan

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Guiao inako ang responsibilidad sa kabiguan ng Team Philippines sa Kazakhstan
Kaagad kinuyog si Team Pilipinas star center June Mar Fajardo ng tatlong players ng Kazakhstan.
PM photo ni Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Inako ni national coach Yeng Guiao ang responsibilidad matapos matalo ang Team Pilipinas sa Kazakhstan sa fifth window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers kamakalawa sa Mall of Asia Arena.

Dahil nasa homecourt, paborito ang Nationals na magwagi kontra sa mga Kazakhs subalit naka­lasap ng 88-92 pagkatalo na siyang nagpalabo sa tsansang makasiguro ng tiket sa FIBA World Cup na gaganapin sa China sa susunod na taon.

Kung nanalo ay aa­ngat sana sa 6-3 ang baraha ng Team Pilipinas at makakasalo sa ikala­wang puwesto ang Iran sa Group F.

Ngunit ngayon ay bu­maba sa 5-4 ang kartada ng Nationals katabla ng Japan sa ikaapat na pu­westo na siyang nagpa­delikado sa kanilang po­sisyon dahil tatlong ko­ponan lamang ang papa­sok sa World Cup.

“I’m taking the res­ponsibility for this team. I felt that everybody in this team was there and I was the one who decided for them to be there,” wika ni Guiao. “We were mismatched in terms of quickness especially with our big men.”

Kontra sa mas maliit na Kazakhstan, nagparada ng higanteng roster si Guiao sa pangunguna ni­na June Mar Fajardo, Greg Slaughter, Japeth Aguilar at JP Erram.

Subalit hindi ito pu­mabor sa Team Pilipinas dahil dinaig sila ng mas mabilis at mas tirador na Kazakhstan team sa pa­ngu­nguna nina Alexandr Zhigulin at Anton Bykov na kumamada ng 30 at 20 points, ayon sa pagkakasunod.

“Our problem was their bigs were the ones ma­king the threes. Our bigs could not extend out and challenge those threes,” dagdag ni Guiao sa Kazakhstan na nagbuslo ng 52 percent sho­oting sa 3-point line.

Sa kabila nito, hindi naman nawawalan ng pag-asa si Guiao na ma­kakabawi sila sa krusyal na harapan kontra sa Iran bukas sa MOA Arena pa rin gaganapin.

“Of course we’re disappointed but we still have one game on Monday,” ani Guiao.

“We can’t feel too ne­gative about ourselves. I think we can salvage the situation if we can play a good game against Iran and learn the lessons from this game.”

Inaasahang magkaka­roon ng pagbabago sa line-up ng Nationals kon­tra sa mga Iranians dahil puwede nang maglaro si­na Jayson Castro at Troy Rosario matapos gugulin ang three-game suspension, habang sasalang din si Christian Standhar­di­nger bilang naturalized player ng koponan kapa­lit ni Stanley Pringle.

vuukle comment

GUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with