Chris Paul ‘di nakalaro
WASHINGTON — Hindi naglaro si Houston guard Chris Paul sa pagsagupa ng Rockets laban sa Wizards dahil sa sumasakit niyang kaliwang binti.
Ito ang ikalawang sunod na pagkakataon na hindi nakita sa aksyon si Paul matapos maupo sa laban ng Rockets kontra sa Cleveland Cavaliers.
Naglaro si Paul sa loob ng 37 minuto sa overtime win ng Houston kontra sa Detroit Pistons isang gabi bago nila harapin ang Cavaliers.
“We’ve just got to make sure Chris is 100 percent well from his strained hammy,” sabi ni Rockets head coach Mike D’Antoni na idinagdag na hindi rin naglalaro si Gerald Green bunga ng sore right ankle.
- Latest