^

PM Sports

Folayang nabawi ang lightweight crown Vera pinabagsak si Cerilli sa 1st round

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kapwa tinalo nina heavyweight champion Brandon ‘The Truth’ Vera at lighweight tit­list Eduard ‘Landslide’ Folayang ang kanilang mga kalaban sa harap ng mga nagdiwang na Pi­­noy fans sa “Conquest of Champions” ng ONE Championship sa Mall of Asia Arena sa Pasay City noong Biyernes ng gabi.

 

Pinatumba ni Vera si Italian challenger Mauro ‘The Hammer’ Cerilli sa unang isang minuto at limang segundo sa first round para mapanatiling suot ang heavyweight crown.

Isang matulis na counter left hook ang nai­­­konekta ng 41-anyos na si Vera (16-7) para pa­­bagsakin si Cerilli (12-5).

Itinigil ni referee Oli­vier Coste ang pagrapi­do ng Fil-American sa Ita­lian challenger.

Sinabi ni Vera na pa­lagi niyang pinapano­od ang mga nakaraang la­ban ni Cerilli para pla­nuhin ang kanyang es­tra­tehiya.

“I’ve been wat­ching Mauro’s tapes every night. Even as I sleep, I watch him train. I watch him fight. I watch everything he does. I know he swings hard,” ani Vera.

“He did punch me in the mouth and it hurt, and then when he fell down, I was pretty surprised. So I’m glad I got that left hook in and dropped him with it,” dagdag pa nito.

Samantala, muli namang na­pasakamay ni Fo­la­yang (21-6) ang ONE light­weight title ma­ta­­pos ang isang una­ni­mous de­­cision win la­ban kay Amir Khan ng Singa­pore.

Nauna nang naisuko ni Folayang ang kanyang ONE lightweight crown kay Martin Ngu­yen no­ong Nobyembre ng nakaraang taon.

vuukle comment

BRANDON VERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with