^

PM Sports

FEU Tams habol ang Final 4 slot

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tangka ng Far Easten University Tamaraws na manatiling buhay ang asam na Final Four berth sa paghaharap kontra sa pumapangalawang Adamson Soaring Falcons sa huling araw sa elimination round ng Season 81 UAAP basketball tournament  sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Tangan ang 7-6 win-loss kartada, kailangan ng Tamaraws na maka-ulit sa Soaring Falcons sa kanilang pagtatagpo muli sa alas-4 ng hapon upang makakuha ng playoff para sa huling semis berth.

Maghaharap din ang NU Bulldogs (3-10) at UE Red Warriors (1-12) sa alas-2 ng hapon para kumpletuhin ang kanilang elimination round assignments.

Kung mananalo ulit ang Tamaraws laban sa Soaring Falcons aangat sila sa three-way tie mula sa third spot hanggang sa fifth spot kasama ang UP Fighting Maroons at De La Salle Green Archers sa parehong 8-6 slate.

Sa ganitong senaryo, manatili pa rin ang Fighting Maroons sa ikatlong puwesto dahil sa superior quotient habang ang Tamaraws at Green Archers ay maghaharap sa playoff para pag-agawan ang fourth slot sa semis ngayong Miyerkules at ang magwawagi ay lalaban sa top seed Ateneo Blue Eagles (12-2) sa semifinal round.

Magtatagpo naman ang second seed Adamson Falcons (10-3) at University of the Philippines Fighting Maroons (8-6) sa ibang semis match. Tangan kapwa ng Ateneo at Adamson ang twice-to-beat bentahe sa Final Four bilang top two teams pagkatapos ng double round elimination.

Malakas ang tiwala ng Tamaraws na magwawagi muli sapagkat wala ng mawawala pa sa Falcons kahit ano ang magyayari at manatili pa rin ang tropa ni coach Franz Puma-ren sa ikalawang puwesto sa 10-4 card.

Sa una nilang paghaharap nagwagi ang FEU Tamaraws sa Adamson Falcons, 88-85, via overtime sa first round ng elims noong Oktubre 7. Ang iba pang mabibigat na tinalo ng FEU ay ang Ateneo, 63-60, noong Oct. 10.

vuukle comment

FEU TAMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with