^

PM Sports

Pacquiao vs Broner paiinitin na

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos bumisita sa Oxford at Cambridge sa United Kingdom ay muling bibiyahe si Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao sa susunod na linggo.

Ito ay para naman sa kanilang dalawang itinakdang press conference ni American world four-division titlist Adrien Broner.

Opisyal nang ihahayag ang bakbakan nina Pacquiao, ang World Boxing Association welterweight tile-holder, at Broner sa isang press confe-rence sa Lunes (US time) sa New York.

Kinabukasan ay dadalhin naman ang press conference nina Pacquiao (60-7-2, 39 KOs) at Broner (33-3-1, 24 KOs) sa Los Angeles, California.

Malaki ang tsansang gawin ang suntukan ng 39-anyos na si Pacquiao at ng 29-anyos na si Broner sa Enero 19 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Napasakamay ni Pacquiao ang suot na WBA world welterweight title ni Lucas Matthysse (39-5, 36 KOs) matapos talunin ang pambato ng Argentina via seventh-round TKO noong Hulyo 15 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ito naman ang unang laban ni Broner makaraan ang isang 12-round majority draw kay Jessie Vargas (28-2-2, 10 KOs) noong Abril 21 sa Barclays Center sa Brooklyn.

Sakaling manalo kay Broner ay inaasahang maitatakda ang rematch nina Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr. (50-0-0, 27 KOs).

Tinalo ng 41-anyos na si Mayweather, ibinasura kamakailan ang naunang inihayag na laban niya kay Japanese kickboxing sensation Tenshin Nasukawa, si Pacquiao via unanimous decision sa kanilang super fight noong 2015.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with