Red Robins kampeon
MANILA, Philippines — Sumandal ang Mapua Red Robins kay Paolo Hernandez at Dan Arches upang magwagi laban sa College of St. Benilde-LSGH Greenies, 77-74, at angkinin ang ika-22nd titulo sa Season 94 NCAA basketball tournament Junior’s Division kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Umarangkada ang graduating studenteer-high 33 puntos, 12 rebounds, tatlong blocks dalawang assists at dalawang steals habang si Arches ay tumulong ng 22 puntos at limang rebounds para pumantay ang Mapua sa San Beda Red Cubs sa parehong 22 korona sa junior’s division.
Kahit nalimitahan ang Red Cubs sa anim na puntos lamang sa fourth quarter dahil sa huling 18-6 run ng Greenies, sapat na ang kanilang 15 puntos bentahe na naipundar sa ikatlong yugto para malusutan ang nag-dedepensang Greenies.
Nakuha ni Hernandez ang Finals MVP honor sa huli niyang laro bilang high school student.
Malaking pasasalamat naman ni Mapua coach Randy Alcantara sa kanyang manlalaro na hindi sumuko lalung-lalo na sa huling sandali kung saan tumabla pa ang Greenies, 74-74, mahigit dalawang minutos na lamang ang nalalabi.
Umabot sa winner-take-all match ang serye matapos masungkit ng Red Robins ang Game 2 (85-76) noong Lunes para makabawi sa kanilang 69-74 talo sa Game 1 noong Nobyembre 6.
- Latest