^

PM Sports

Fajardo nagbalik sa ensayo ng Team Pilipinas

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Fajardo nagbalik sa ensayo ng Team Pilipinas
Si June Mar Fajardo sa isang laro ng San Miguel sa PBA.

MANILA, Philippines — Handa si June Mar Fa­jardo na akuin ang ma­­laking responsibili­dad sa kanyang pagba­balik sa Team Pilipinas para sa na­lalapit na fifth window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Ayon kay Fajardo, ma­saya siyang nakaba­lik ngayon sa national team matapos hindi makasali sa fourth window noong Setyembre dahil sa kan­yang right shin injury.

“Masaya ako na nan­dito ulit ako, maging part ng pool, excited ako maglaro under coach Yeng Guiao,” sabi ng 6-foot-10 na sentro ng San Miguel matapos ang unang araw ng ensayo ng tropa kamakalawa sa Meralco Gym.

Aminado si Fajardo na wala pa siya sa 100 porsyentong kundisyon la­lo’t dalawang buwan na hindi siya nakapaglaro subalit siniguradong ba­ba­lik din ang kanyang ba­­ngis bilang four-time PBA Most Valuable Pla­yer sa takdang oras ng laban ni­la kontra Kazakhs­tan sa Nobyembre 30 at sa Iran sa Disyembre 3.

“Medyo naghahabol pa ako sa conditioning, pe­­ro siguro by the time ma­kukuha ko na rin ‘yun,” ani Fajardo

Pinapamunuan ni Fa­jardo ang 20-man Team Pilipinas training pool ni Guiao na kinukunsidera ng karamihan bilang pi­na­kamalakas na koponan sa kasaysayan ng Philippine basketball.

Subalit ayon kay Fa­jardo, wala pa aniya silang napapatunayan at ki­nakailangan pang mag­sa­nay upang mapanindigan ang ‘greatest team’ tag sa kanila.

Dagdag din aniyang ha­mon lalo na ang mas ma­laking res­ponsibilidad ngayon na naiatang sa kanya dahil sa pagkawala ni na­turalized player Andray Blatche sa Team Pi­lipinas para sa fifth window.

Sa kabutihang palad, tiwala si Fajardo na hindi si­ya nag-iisa sa laban da­hil makakasama niya ang iba pang higante sa Team Pilipinas frontcourt na sina Christian Standhardinger, Japeth Aguilar, Greg Slaughter, Beau Belga, Ian Sangalang at JP Erram na lahat ay inaasahang haharang sa daan ng pambato ng Iran na si Hamed Haddadi.

“Hindi naman sa akin lang , marami naman kaming malalaki, hindi lang sa akin,” ani Fajardo.

“Basta gagawin ko la­hat ma-minimize ko si Haddadi pero magbabase pa rin ‘yan sa team effort eh para matalo natin yung Iran,” dagdag ng Cebuano giant.

Kailangan nina Fajar­do at ng Team Pilipinas na maipanalo ang napi­pintong home games ni­la kontra sa bisitang Ka­zakhstan at laban sa Iran na parehong dadayo sa Mall of Asia Arena upang lalong lumakas ang tsansa sa 2019 FIBA World Cup sa China.

Nasa top three ng Group F ang Team Pilipinas sa likod ng lider na Australia (7-1) at Iran (6-2).

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with