Risers at Kuyas wagi sa MPBL
ANGELES CITY, Philippines — Nagtala ng magkaibang panalo ang Bataan at Bulacan para palakasin ang kanilang mga tsansa sa 2018 MPBL Datu Cup.
Inilampaso ng Risers ang Basilan Steel, 108-77, para ilista ang kanilang 12-game winning streak na nagtaas sa baraha nila sa 12-1 sa 26-team cast.
Umiskor si Byron Villarias ng 23 points para sa Bataan kasunod ang 15, 14 at 10 markers nina Pamboy Raymundo, Gary David at Vince Tolentino, ayon sa pagkakasunod.
Tinalo naman ng Bulacan Kuyas ang host team na Pampanga Lanterns, 67-65.
- Latest