^

PM Sports

La Salle puntirya ang ikatlong semis seat

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hangad ng nagdedepensang Ateneo Blue Eagles ang pang-12 pa­na­lo sa pagharap sa UST Growling Tigers, habang asam naman ng La Salle Green Archers ang ikatlong semifinals berth kon­tra sa UP Fighting Ma­roons sa Season 81 UAAP men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Haharapin ng Blue Eagles ang Growling Tigers ngayong alas-2 ng hapon, habang kaila­ngan ng Green Archers na manalo sa Fighting Maroons sa alas-4 ng hapon upang masiguro ang pagpasok sa Final Four.

Tanging ang namu­mu­nong Blue Eagles (11-2) at pumapangalawang Adamson Soaring Falcons (10-3) ang pasok na sa semifinal round at nasa kanilang kamay na rin ang dalawang ‘twice-to-beat’ advantage bilang top two teams matapos ang double round elimination.

Ang huling dalawang slots ay pag-aagawan naman ng Green Archers, FEU Tamaraws at Figh­ting Maroons, habang nag­wakas na ang pag-asa ng Tigers, NU Bulldogs at UE Red Warriors.

Ngunit kung magwa­wagi ang La Salle laban sa UP ay makukuha ng Taft-based team ang ikatlong semis berth.

Pero hindi pa mag­wa­wakas ang tsan­sa ng UP dahil kung matatalo ang FEU sa Adamson sa Linggo ay magkakaroon ng two-way tie sa huling slot sa Final Four.

Kung mangyayari ang two-way tie sa fourth spot sa pagitan ng UP at FEU ay malaki ang bentahe ng Tamaraws dahil ti­nalo ni­la ang Fighting Ma­roons, 89-73, sa first round no­ong Setyembre 23 bago nakabawi ang huli sa ka­nilang muling pagtutuos sa se­cond round, 95-82.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with