^

PM Sports

Patuloy ang panggugulantang ng Meralco Bolts

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Mahirap hindi bumilib sa ginawa ng Meralco na bumangon sa malalim na pagkakadapa at ngayon ay nagbabantang umabot sa ikatlong sunod na PBA Governors’ Cup Finals.

Grabeng determinasyon at fighting spirit ang tangan ng koponan ni coach Norman Black – o sa mga natitira sa lineup ng Meralco minus ang mga injured players na gaya nina Ranidel de Ocampo, Cliff Hodge at iba pa.

Pero hanggang saan aabot ang kanilang ratsada?

Kahit na nadapa sa Game One ng kanilang best-of-five semifinals, mukhang paborito pa rin ang Alaska Milk sa kanilang bakbakan ng Meralco.

Mahaba pa ang serye at malamang na didiin ang mga Aces ng husto sa kanilang pressing at running game upang pagurin ang mga Bolts na may maig-sing rotation lamang.

Bigla ang pagtamlay ng tiyempo at ang buong laro ng Alaska sa kanilang 92-97 talo noong nakaraang gabi.

Halos parehong pangyayari ang sinapit ng Phoenix Petroleum na nagdulot ng masakit na pagkatalo sa kanilang quarterfinals matchup kontra sa Meralco.Natapon ang twice-to-beat advantage ng Fuel Masters.

“Two possessions away para mag-semis. Sa-yang ang pinagpaguran ng mga players ko. Sa-yang dahil talagang determinado sila,” ani Phoenix coach Louie Alas.

“Two possessions away,” diin ni Alas.

Pero sa totoo lamang, hindi naman sila kinulang sa possession, kung hindi puro bukol ang tira nila mula sa field at sa free throw line.

Kaya’t sa halip na unang PBA semifinals para sa Phoenix, Meralco ang umusad upang sumubok humugot ng ikatlong sunod na Governors’ Cup Finals.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with