^

PM Sports

2-0 bentahe hangad ng Meralco

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magtayo ng malaking 2-0 bentahe ang pakay ng mainit na Meralco ngayon kontra sa namomroblemang Alaska sa krusyal na Game 2 ng kanilang umaatikabong 2018 Philippine Basketball Association (PBA) Governors’ Cup best-of-five semi-finals series sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Magaganap ang banggaan sa alas-7 ng gabi kung saan planong lumapit ng Bolts ng isang hakbang mula sa ikatlong sunod na Finals appearance sa season-ending conference.

Nakasakay sa pambihirang tagum-pay sa quarterfinals kontra sa Phoenix, nagpatuloy ang pananalasa ng mainit na Meralco sa semis nang kuryentehin nito ang Alaska, 97-92 kamakalawa upang makakuha ng mabilis na 1-0 abante.

Ang panalong iyon ang ikapitong sunod para sa Bolts na kamakailan lang ay nanganganib nang matanggal sa kontensyon bunsod ng malamyang 1-6 simula sa elimination round.

Subalit dahil sa kanilang karanasan bilang two-time Governors’ Cup finalist, hindi naawat ang Bolts kahit pa pumasok sa playoffs bilang seventh seed nang silatin nito ang segundang Phoenix na armado ng twice-to-beat advantage upang makatakda ng semis duel kontra sa Alaska.

Iyon ang nais na maipagpatuloy ni head coach Norman Black lalo’t panga-rap nila ang makabalik sa Finals para sa tsansang makuha na sa wakas ang kanilang kauna-unahang kampeonato.

“We’re just trying to fight everyday,” ani Black. “We know we just want to get back to the Finals. We just have to keep winning to do that.”

Subalit hindi madali ang misyon na ito ng Bolts lalo’t mapaghiganting Aces ang haharang sa kanilang daan.

Habang sinusulat ang balitang ito ay kasalukuyan pang naglalaban ang Ginebra at Magnolia sa Game 2 ng kanilang sariling best-of-5 semifinal series.

vuukle comment

BASKETBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with