^

PM Sports

Sotto masusubukan ng mga PBA big men

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Sotto masusubukan ng mga PBA big men
Sina Team Pilipinas pool members 7’1 Kai Sotto at 6’10 June Mar Fajardo.

MANILA, Philippines — Hindi man makita ngayon ni Kai Sotto ang bunga ng pambihi­rang pagkakataon na ma­pasama sa Philippine men’s national basket­ball team ay sigurado ang kanyang ama na si Ervin na aanihin niya ito sa hinaharap.

“Sabi ko sa kanya, kung titingnan mo, parang magsasaka ka,” wi­ka ni Ervin na dating PBA player, kay Sotto.

“Nagtatanim ka pa lang ngayon ng mga aa­nihin mo. Aanihin mo rin iyan kaya ipagpatuloy mo lang ‘yung mga tamang ginagawa mo para sa sarili mo.”

Edad 16-anyos pa lamang kasi ay masusukat ngayon ang kilatis ng 7-foot-1 Filipino teen sen­sation matapos m­a­pi­li bilang isa sa 20-man Team Pilipinas training pool na pinangalanan ni head coach Yeng Guiao noong nakaraang linggo.

Bago at mas mataas na level ang papasu­king misyon ng Ateneo standout na si Sotto la­lo’t hindi na mga kapwa niya high school players ang kanyang makakasama at makakatunggali.

Nakatakdang masubok si Sotto ng mga PBA big men na sina Greg Slaughter, JP Erram, Beau Belga, Christian Standhardinger, Ja­peth Aguilar at four-time Most Valuable Pla­yer June Mar Fajardo.

Para kay Guiao, ma­laking tulong ito kay Sot­to dahil mapapabilis ang kanyang development matapos maghari sa kanyang mga youth counterparts dito sa ban­sa pati na sa Asya bunsod ng mga tagumpay ng Batang Gilas noong 2017 FIBA U-16 Asia Championship, 2017 FIBA U-17 World Cup at 2018 FIBA U-18 Asia Championship.

Ayon pa kay Guiao, paraan ito para maihan­da si Sotto sa mas mala­laking laban sa susunod bilang ‘future’ ng Phi­lip­pine basketball.

“With Kai, we have no­thing to lose, we have everything to gain. I’d like to see him play against the big boys and be able to accelerate his development,” ani Guiao kay Sotto.

Naniniwala rin ang ve­teran national mentor na si Sotto ang susunod na magiging basketball superstar ng bansa.

“I think Kai is our fu­ture and we’re just trying to make use of the opportunity for him to be developed an upgrade the compettion ka­si dominado niya na ‘yung high school eh,” sabi ni Guiao kay Sotto

Hindi rin aniya ma­gu­gulat si Guiao kung makakasabit si Sotto sa kanyang ihahayag na Final 12 na sasagu­pa sa Kazakhstan sa Nob­yembre 30 at sa Iran sa Disyembre 3.

“Baka gulatin tayo, baka makakuha ng spot sa Final 12. We have no­thing to lose here.”

 

vuukle comment

KAI SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with