Vargas kinampihan si Pacquiao
MANILA, Philippines — Nakaharap na ni dating world welterweight king Jessie Vargas sina Manny Pacquiao at Adrien Broner.
Ngunit dahil sa napabagsak siya ni Pacquiao ay kinampihan ni Vargas ang Filipino world eight-division champion kesa kay Broner.
Napatumba ni Pacquiao si Vargas sa second round patungo sa unanimous decision victory para agawin sa Mexican-American ang suot nitong World Boxing Organization welterweight crown noong 2016 sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas, Nevada.
“Manny Pacquiao is on another level because he’s fast, explosive, he’s very versatile and he fights with different angles, you know,” wika ni Vargas.
Sa Enero 19 ng susunod na taon ay magtatagpo ang 39-anyos na si Pacquiao at ang 29-anyos na si Broner para sa pagdedepensa ng Filipino boxing icon sa kanyang bitbit na WBO welterweight belt sa Las Vegas.
Inaasahan ni Vargas na tatalunin ni Pacquiao si Broner.
“Pacquiao-Broner? I think Pacquiao takes it,” ani Vargas, nakipag-draw kay Broner noong nakaraang Abril.
Ayon pa kay Vargas, gagamitin ni Pacquiao ang bilis at malawak na eksperyensa para talunin si Broner.
- Latest