^

PM Sports

Perez, Lyceum Pirates nadale ng NCAA rule

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Kapirot o baka sila-sila lamang ang may pagsang-ayon sa desisyon ng NCAA na suspindihim si CJ Perez sa Game One ng NCAA best-of-three finals at kasabay nito ang hindi pagbigay sa kanya ng karapat-dapat na MVP award.

Ang lahat ng ito ay dahil lamang sa hindi niya naipaalam na sasali siya sa PBA Rookie Draft process na nakatakda sa Dec. 16.

Hindi lamang kay Perez malungkot ang pangyayari na ito. Nahambalos ang kanyang koponang Lyceum Pirates. At kung ibulsa man ng San Beda ang kampeonato, parang hindi kagandahan ang panalo dahil sa laking pabor na naibigay sa kanila ng NCAA board.

Rules are rules, ang sabi nila. Ang sabi ng marami: Rule n’yo bulok!

***

Semifinals pa lamang, sigurado na ang PBA Governors’ Cup ng malaking following dahil sa paghaharap ng Barangay Ginebra at Magnolia sa isa sa dalawang Final Four matchups.

Labanan ito sa pagitan ng isang koponan na nagtatangkang ibulsa ang Governors’ Cup sa ikatlong sunod na pagkakataon kontra sa koponan na dati rin back-to-back champion sa season-ending tournament noong 2013-14.

Huli silang nagbanggaan sa playoffs noong 2017 Philippine Cup semifinals kung saan nakalusot ang Ginebra sa deciding Game Seven.

Malamang na dikdikan din ang kanilang rematch na inaasahang hahakot ng malaking bilang ng manonood.

Pero malabo na itong gumawa ng record dahil nililimitahan na ng Smart Araneta Coliseum ang benta ng tickets para na rin sa safety ng manonood.

***

Dahil inalis na ng PBA ang restrictions sa pagpapahiram ng players sa national team, finally balik sa national pool si Arwind Santos.

Mula nang lumaro siya sa national team noong 2009 FIBA Asia Championship, consistent na maganda ang performance ni Santos.

Pero dahil one player per team ang policy noon, laging etsapwera si Santos dahil una si June Mar Fajardo sa tinatawagan ng national coach.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with