^

PM Sports

Ready na si Blatche

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Ready na si Blatche
Andray Blatche

MANILA, Philippines — Handa na si naturalized player Andray Blatche sa posibleng pagbabalik sa Team Pilipinas na sasalang muli sa paparating na fifth window ng 2019 International Basketball Fe-deration (FIBA) World Cup Asian Qualifiers sa huling bahagi ng buwang ito.

Iyan ang kanyang siniguro sa isang maikli ngunit malaman na social media post sa kanyang opisyal na instagram account na @draylive kahapon ng umaga.

“War ready, waiting for that call for these two upcoming home games,” ang post ng 32-anyos na si Blatche.

Kasama sina Troy Rosario, Terrence Romeo at Jayson Castro, kasalukuyan pang nagsisilbi si Blatche ng tatlong la-rong suspensyon ng FIBA matapos masangkot sa rambol kontra sa Australia noong Hulyo.

Magtatapos na ang naturang suspensyon sa laban ng Team Pilipinas kontra sa Kazakhstan sa Nobyembre 30 kaya’t maaari na siyang maglaro sa laban kontra sa Iran sa Disyembre 3.

Inaasahang mapapa-sama sina Blatche sa 16-man pool na isinalang ni head coach Yeng Guiao sa fifth window kontra sa Iran at Qatar noong nakaraang Setyembre.

Sa kampo naman ng mga big men, nakatakdang dumagdag ang 6’11 na si Blatche sa marahil ay pinakamalaking frontcourt sa kasaysayan ng Philippine basketball kasama sina Ian Sangalang, Christian Standhardinger, JP Erram, Asi Taulava, Beau Belga at Raymond Almazan.

Bukod pa rito ang ina-asahang pagbabalik din nina June Mar Fajardo at Greg Slaughter mula sa kanilang injuries gayun-din ang napipintong pagsali ni 7’1 Filipino ri-sing star na si Kai Sotto.

Sa first round ng Asian Qualifiers ay nagsilbing malaking bahagi si Blatche ng kampanya ng Pilipinas bunsod ng kanyang double-double average na 11.7 puntos at 11.8 rebounds kasama pa ang 3.5 assists.

Kung sakaling mapapasali ulit sa line-up ay iyon ang inaasahang maitutulong ulit ng natura-lized player ng koponan simula pa noong 2014.

Ngayong araw naman papangalanan ni Guiao ang kumpletong listahan ng kanyang training pool matapos ang pagpupulong kasama ang Philippine Basketball Association (PBA) Board of Governors at Commissioner Willie Marcial.

Hawak ang 5-3 kartada, nasa ikatlong puwesto ng Group F ngayon ang Team Pilipinas sa likod ng Australia (7-1) at Iran (6-2) kaya’t kinakailangan maipanalo ang nalalapit na dalawang laban.

vuukle comment

ANDRAY BLATCHE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with