^

PM Sports

Perlas Spikers sinolo ang 2nd spot sa PVL

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kinailangan lamang ng BanKo Perlas ng sapat na lakas upang payukuin ang Adamson University, 25-17, 25-17, 25-18, para masolo ang ikalawang puwesto sa Premier Volleyball League Sea­son 2 Open Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nagsilbing lider si Kat Bersola sa lahat ng aspeto ng laro nang magtala siya ng 13 points mula sa pitong attacks, apat na aces at dalawang blocks para buhatin ang Perlas Spikers sa ikapitong pana­lo sa siyam na pagsalang.

“Same lang naman ang preparations namin. Sipag lang sa training and nag-focus lang kami sa weaknesses namin. May conditioning kami once a week and masipag kaming lahat sa training,” wika ni Bersola na second year Medicine student.

Maliban kay Bersola, naasahan din sa opensa sina outside hitter Nicole Tiamzon at Dzi Gervacio gayundin si middle blocker Joy Dacoron habang nagtulong sina defensive gems Ella De Jesus at Gyzelle Tan sa pagmando sa floor defense.

Wala pa ring panalo ang Lady Falcons sa siyam na laro ngunit naniniwala si Adamson mentor Airess Padda na magandang exposure ang Open Conference para sa kaniyang bataan bago sumabak sa UAAP wars sa unang bahagi ng susunod na taon.

Malaking kawalan si opposite spiker Eli Soyud na nagpapagaling sa kaniyang injury.

Napatatag naman ng Petro Gazz ang kapit sa No. 4 spot matapos itarak ang 25-21, 25-19, 25-17 panalo laban sa Iriga-Navy.

Nanguna si team captain Paneng Mercado sa ata­ke ng Gazz Angels nang kumana ito ng 20 hits, habang sumuporta si Maricar Baloaloa na may 15 points kabilang ang apat na blocks.

Nagtala naman sina Rachel Austero, Jonah Sabete, Cherry Nunag at Jessey de Leon ng pinagsama-samang 18 points para umakyat ang Gazz Angels sa 5-3 marka.

Naputol ang two-game winning run ng Lady Oragons na nalaglag sa 3-8.

Nagsanib sina Joanne Bunag at Grazielle Bombita sa pagkolekta ng 29 puntos para sa Lady Ora­gons.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with