^

PM Sports

Lady Eagles dinagit ang Fighting Warays para patuloy na dominahin ang torneo

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tuloy ang matayog na paglipad ng Ateneo de Manila University ma­tapos dagitin ang 25-19, 25-21, 21-25, 25-19 panalo laban sa Tacloban Fighting Warays pa­ra mapatatag ang ka­pit sa solong pamu­mu­no sa Premier Vol­ley­ball League Season 2 Open Con­ference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Muling naasahan ng Lady Eagles sina Kat To­lentino, Maddie Ma­da­yag, Bea De Leon at Vanessa Gandler para kub­rahin ng kanilang tro­pa ang ikawalong panalo sa 10 pagsalang.

Ngunit nagsilbing pambuhay ng Ateneo si reserve outside hitter Jules Samonte na kuma­na ng walong importanteng puntos sa fourth set kabilang ang pitong krusyal na attacks.

Desidido ang Figh­ting Warays na dalhin ang laro sa fifth set nang kunin ang 14-10 kala­ma­ngan sa fourth set sa likod nina Heather Guinoo, Dimdim Pacres at Jovielyn Prado.

Subalit nagpasabog ang Lady Eagles ng 9-1 run sa pangunguna nina Samonte at Gandler pa­ra maagaw ang bentahe sa 20-16.

Dumikit pa ang Tac­loban sa 21-19 subalit agad na sumaklolo sina De Leon at Tolentino na siyang nagmando sa opensa at depensa sa net para kunin ang huling apat na puntos at maisel­yo ang panalo.

Kumana si Guinoo ng 16 puntos sa kanyang pagbabalik sa aksyon pa­­ra sa Fighting Warays habang nagtala naman si Pacres ng 13 markers.

Ngunit hindi ito sapat para hatakin ang Tac­loban sa panalo.

Ito ang ikalawang su­­­nod na kabiguan ng Figh­ting Warays (4-6) pa­ra malugmok sa No. 6 spot.

vuukle comment

LADY EAGLES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with