Indigenous Peoples Games lalarga na sa Benguet
MANILA, Philippines – Humigit-kumulang sa 500 partisipante ang sasabak ngayon sa 4th leg ng Indigenous Peoples Games sa Kapangan, Benguet.
Pamumunuan nina Philippine Sports Commissioner Charles Raymond A. Maxey, Benguet Governor Crescencio Pacalso at Kapangan Mayor Manny Fermin ang pagsisimula ng labanan ngayong umaga.
“Maganda itong ginagawa ng PSC dahil parang namumulat na rin kami na bakit ba hindi tayo mgdaos ng mga IP games,” sabi ni Pacalso sa IP Games na magtatapos sa Lunes.
Ang mga traditional sports at games na lalaruin ay ang pakwel, sidking aparador, sidking bado, patin-tero, tiklaw, prisoner’s base, palsi-it, kadang-kadang, ginuyudan, kayabang, pangke, sanggol, pallot, dad-an di pato, sungka at dama.
Ayon kay Maxey, nangangasiwa sa IP Games project, ang nasabing ikaapat na yugto ng IP Games ang may pinakamaraming lahok.
“Actually, this is a very good undertaking since ang ating mga kabataan ay nalilimutan na ang mga indigenous games natin dahil sa mga gadgets,” sabi naman ni Fermin katuwang ang Provincial Sports Office.
Kapangan Sangguniang Bayan (SB) members, Sangguniang Kabataan (SK) at Local Tribal Council.
- Latest