^

PM Sports

Ateneo hangad sumosyo sa No. 2

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines – Makisalo sa No. 2 spot ang tatangkain ng Ateneo de Manila University sa pagharap nito sa three-time champion Pocari-Air Force sa muling pagdayo ng Premier Volleyball League Season 2 Open Conference sa Imus Sports Complex sa Cavite.

Umaasa ang Lady Eagles na maduduplika nito ang kanilang first-round win sa Lady Warriors sa kanilang duwelo sa alas-6 ng gabi habang maghaharap sa unang laro ang Iriga-Navy at Adamson University sa alas-4.

Hindi nakapaglaro sina Kat Tolentino, Maddie Madayag at Ponggay Gaston sa huling laro ng Ateneo laban sa Creamline Cool Smashers noong Linggo dahil sa kani-kanyang academic commitments.

Ngunit magbabalik-aksiyon na ang tatlo para makasama sina Bea De Leon, Deanna Wong at Dani Ravena sa tangkang makuha ang ikaanim na panalo.

Nasa ikatlong puwesto ang Ateneo sa likod ng nangungunang Creamline (6-1) at pumapangalawang BanKo Perlas (6-2).

Sa kabilang banda, nakalugmok ang Pocari-Air Force sa No. 5 kasalo ang Tacloban hawak ang parehong 4-4 marka.

Muling lumasap ang Lady Warriors ng five-set loss kontra Fighting Warays noong Miyerkules.

Kaya naman maglalabas ng matinding lakas ang Pocari-Air Force upang palakasin ang kanilang tsansa sa semis.

Ibabandera ng Lady Warriors si ace spiker Myla Pablo subalit kailangan nito ng tulong mula sa iba pang katropa partikular na kina middle blockers Del Palomata at Jeanette Panaga gayundin kina Mary Ann Pantino, Joy Cases at Elaine Kasilag.

Problema rin ng Pocari-Air Force ang receptions nito dahilan upang hirap na makabuo ng solidong plays si setter Wendy Anne Semana.

Kailangan din ng Lady Warriors na limitahan ang errors nito lalo na sa service area at attacks.

vuukle comment

ATENEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with