^

PM Sports

Win No. 9 asam ng Ateneo

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines – Asam ng nagdedepensang Ateneo Blue Eagles ang pang-siyam na panalo sa pagharap kontra sa NU Bulldogs habang target din ng La Salle Green Archers ang ika-anim na panalo sa pagtatagpo laban sa FEU Tamaraws ngayon sa pagpapatuloy ng Season 81 UAAP basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Matapos umarangkada ng tatlong sunod na panalo, malakas ang tiwala ng Blue Eagles na magwawagi laban sa National University Bulldogs sa alas-2 ng hapon.

Hangad naman ng Green Archers na bumawi sa kanilang first round loss sa Far Eastern University Tamaraws sa kanilang pagtatagpo sa alas-4 ng hapon. Sa una nilang paghaharap, tinambakan ng Blue Eagles ang Bulldogs, 72-46 noong Sept. 22 sa pangunguna nina Thirdy Ravena, Anton Asistio at Matt Nieto.

Nag-ambag sina Ra-vena, Asistio at Nieto ng 29 puntos at kabuuang 15 rebounds para sa kanilang malaking 26 puntos winning margin.

Bukod sa tatlo, sasandal din si coach Tab Baldwin kina Angelo Kouame, Raffy Verano, Jolo Mendoza, Gian Mamuyac at Isaac Go.

Tiyak namang itatapat ni coach Jamike Jarin ang magkapatid na sina Sean at Dave Ildefonso, Fil-Am Troy Rike, John Clemente, Jess Diputado at Joshua Sinclair.

Sa iba pang laro, tinalo ng Tamaraws ang Green Archers, 68-61 sa first round ng elimination noong Sept. 9 kaya gusto ni coach Louie Gonzales na bumawi sa pamamagitan nina Kib Montalbo, Florencio Serrano, Santi Santillan, Aljun Melecio at  Andrei Caracut.

Hawak ng Green Archers ang 5-4 card para sa solo third spot sa likuran ng nangungunang Ateneo (8-2) at Adamson Falcons (7-2).

vuukle comment

ATENEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with