^

PM Sports

NLEX nagpalakas pa sa quarterfinals

Russell Cadayona - Pang-masa
NLEX nagpalakas pa sa quarterfinals
Pa-lay-up si NLEX import Aaron Fuller matapos lusutan ang mga Alaska defenders.
PBA Image

MANILA, Philippines – Kinailangan pa ng NLEX ng five-minute extra period at ang kabayanihan ni veteran center JR Quiñahan palakasin ang kanilang tsansa sa silya sa eight-team quarterfinal round.

Isang three-ponit shot at apat na sunod na free throws ni Quiñahan sa dulo ng extension ang nagtakas sa 116-110 panalo ng Road Warriors laban sa Alaska Aces sa 2018 PBA Governor’s Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Kasabay ng pagpigil sa kanilang three-game losing skid ay ang pagpapalakas ng NLEX sa kanilang tsansa sa quarterfinals bitbit ang 5-5 win-loss record.

Nadiskaril naman ang hangarin ng Alaska, may 7-3 baraha kagaya ng Phoenix, na maibulsa ang isa sa apat na ‘twice-to-beat’ incentive.

Matapos ang basket ni Chris Banchero para sa 110-109 abante ng Aces sa 1:06 minuto ng overtime ay nagsalpak naman ng triple si Quiñahan para sa 112-110 bentahe ng Road Warriors.

Sinundan ito ng Cebuano bigman ng apat na free throws laban kay Alaska import Mike Harris para sa 116-110 kalamangan ng NLEX sa natitirang 9.4 segundo.

Nauna nang itinayo ng Road Warriors ang 14-point lead sa third period bago nakatabla ang Aces sa pagtatapos nito, 77-77 at tuluyang ilista ang 10-point advantage, 94-84.

Hindi naman sumuko ang NLEX sa likod ni import Aaron Fuller para dalhin ang Alaska sa extension, 99-99.

 

vuukle comment

NLEX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with