^

PM Sports

Red Lions sinakmal ang top spot sa Final 4

Francisco Cagape - Pang-masa
Red Lions sinakmal ang top spot sa Final 4
Sinupalpal ni San Beda import Donald Tankoua ang layup ni Reymar Caduyac ng Lyceum.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Binawian ng nagde­de­­pensang San Beda Red Lions ang Lyceum Pi­rates, 75-68, para makuha ang top spot sa Final Four ng 94th NCAA basketball tournament kahapon sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Sinandalan ng Red Lions ang mahigpit na de­pensa at matikas na run-and-gun game para masungkit ang kanilang pang-16 panalo sa 17 la­ro.

Tatapusin ng tropa ni coach Boyet Fernandez ang elimination round sa pagharap sa Perpetual Help Altas sa Martes.

Tinapos naman ng 93rd season runner-up na Pirates ang double round elimination sa ikalawang puwesto sa 15-3 kartada.

Makakaharap ng No. 1 seed Red Lions ang No. 4 Altas sa Final Four, habang lalabanan ng No. 2 Pirates ang No. 3 Letran Knights.

Kapwa bitbit ng San Beda at Lyceum ang ‘twice-to-beat’ incentive.

Matapos ang dikit na la­­ban sa first half ay nag­p­a­­­kawala ang Red Lions ng 20-8 run sa ikat­long yugto upang ita­la ang 59-39 bentahe mula sa jum­per ni Robert Bolick tu­ngo sa paghihiganti sa kanilang 66-73 pagkatalo sa Pirates sa first round no­ong Agosto 21.

Nahuli na ang arang­ka­da ni reigning MVP CJ Perez at naibaba lamang nila ang agwat sa limang puntos, 66-71, sa 1:05 na lang ang nalalabi sa laro.

Nagpakita ng gilas si rookie Fil-Canadian James Canlas sa kanyang career-high na 18 points, habang si Bolick ay may 17 markers at naglista ng 15 points at 14 boards si import Donald Tankoua.

Sa juniors’ division, ti­­nalo ng Red Cubs ang Ju­­nior Pirates, 83-76.

vuukle comment

NCAA BASKETBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with