^

PM Sports

3-sunod na panalo ang Ateneo volleybelles

Pang-masa

MANILA, Philippines — Dumiretso ang Ateneo-Motolite sa kanilang ikatlong sunod na arangkada matapos patumbahin ang Tacloban, 25-18, 19-25, 11-25, 25-17, 15-11 sa 2018 Premier Volleyball League Open Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Muling bumida si Kat Tolentino para sa panalo ng Lady Eagles mula sa kanyang back-to-back blocks para selyuhan ang kanilang panalo laban sa Fighting Warays.

Humataw si Tolentino ng 16 points, kasama dito ang dalawang huling match points habang nagdagdag sina skipper Bea de Leon at Maddie Madayag ng 15 at 12 markers, ayon sa pagkakasunod.

Itinaas ng Ateneo ang kanilang baraha sa 5-1.

“We have to avoid this kind of scenarios, siguro this is a learning experience pa rin for us,” sabi ni coach Oliver Almadro sa malamyang panimula ng Lady Eagles na tinablahan ng Fighting Warays sa second set.

Pinangunahan naman ni Dimdim Pacres ang Tacloban mula sa kanyang 18 points, samantalang may 15 markers si Heather Guino-o.

Nagdagdag si Mary Anne Esguerra ng 14 points kasunod ang 10 markers ni team captain Jovielyn Prado.

Kasalukuyan pang naglalaro ang nagungunang BanKo-Perlas at ang rumaratsadang Creamline habang isinusulat ito kagabi.

Hangad ng Perlas Spikers ang kanilang pang-anim na sunod na panalo para manatiling nakakapit sa solong pamumuno, samantalang sumasakay sa four-game winning streak ang Cool Smashers matapos matalo sa una nilang laro sa torneo.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with