Lyceum kinumpleto ang Final 4
MANILA, Philippines — Kumpleto na ang Final Four matapos magwagi ang Lyceum Pirates kontra sa St. Benilde Blazers, 77-64, habang tinambakan ng San Beda Red Lions ang Arellano Chiefs, 90-52 kasabay ng kanilang pagkopo ng ‘twice-to-beat’ incentives kahapon sa 94th NCAA basketball tournament sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.
Kahit marami pang natitirang laro, nakakasiguro na ang nagdedepensang Red Lions at 93rd season runner up Pirates ng top two finish sa standing pagkatapos sa double round elimination.
Sa panalo ng Pirates, hindi lamang sila uma-ngat sa 15-2 win-loss kartada sa likuran ng na-ngungunang Red Lions na hawak ang 15-1 card kundi hinila na rin nila ang Perpetual Help Altas sa semifinal round.
Dahil sa talo, nalaglag ang Blazers sa 8-8 slate kaya kahit pa ma-sweep ang huli nilang dalawang laro, hindi na rin nila maaabutan ang Perpetual Help Altas na tangan ang 11-5 record kaya kumpleto na ang cast sa semis.
“There’s a big lesson from that loss against Letran. It really kept us humble and knowing we don’t have always control of what the future will bring for us but what’s important is how we stuck together as a team,” sabi ni Lyceum coach Topex Robinson.
Umani ang reigning MVP na si CJ Perez ng 17 puntos, 10 rebounds at apat na steals habang si Mike Nzeusseu ay tumulong ng 13 puntos, walong rebounds at apat na blocks para sa tropa ni Robinson.
Sa iba pang laro, agad lumayo ang Red Lions at hindi na lumingon pa tu-ngo sa kanilang pang-15th panalo sa 16 laro upang manatili sa solo top spot.
Tumipak si Javee Mocon ng 24 puntos sa 7-of-13 shooting at 5-of-5 sa free throw bukod sa 11 rebounds at isang steal para sa Red Lions, habang ang pro-bound na si Robert Bolick ay tumapos na may 11 puntos, 9 assists at 5 boards.
- Latest