^

PM Sports

Letran asam ang ika-3 semis berth

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Asam ng Letran Knights na sungkitin ang ikatlong semis berth habang target naman ng Perpetual Help Altas na makasiguro ng playoff para sa huling slot sa magkahiwalay na laban ngayon sa pagpapatuloy ng 94th NCAA basketball tournament sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Tangan ang 11-4 win-loss kartada, kailangan na lang ng Knights ng isa pang panalo sa huling tatlong laro para pormal na ang pagpasok sa Final Four kasama ang nangunguna at nagdedepensang San Beda Red Lions (14-1) at pamapangalawang Lyceum Pirates (14-2).

Haharapin ng Knights ang wala nang pag-asang San Sebastian Stags (4-11) sa alas-2 ng hapon habang magtatagpo naman ang Altas at Emilio Aguinaldo Generals (4-12) sa alas-4 ng hapon.

Sa kanilang 10-5 slate, kailangan ng Altas ni coach Frankie Lim na manalo laban sa EAC upang makakuha ng playoff sa huling semis berth.

Ang Las Pinas-based UPHSD ay mayroon pang tatlong larong natitira sa elimination round kaya maluwag pa ang lubid para sa kanila.

Tanging ang St. Benilde Blazers na lamang ang puwede pang humabol sa semis ngunit dahil sa kanilang 55-77 talo sa San Beda noong Huwebes, hanggang 11 wins na rin lang ang kanilang maabot pagkatapos ng double-round elims. Kaya kung magwagi ang Letran laban sa Stags, safe na sila sa semis sa 12 wins at puwede pang sumingit sa twice-to-beat advantage.

Galing ang Letran sa 80-79 panalo kontra sa Lyceum noong Biyernes kaya mataas ngayon ang kanilang morale para ulitin ang 83-76 panalo laban sa Stags sa first round ng elims noong Hulyo 20.

Sa iba pang laro, pinag-ingat ni coach Frankie Lim ang kanyang Altas team dahil sa una nilang pakikipagharap sa Generals, dalawang puntos lamang ang kanilang panalo, 76-74 noong Hulyo 26.

vuukle comment

NCAA BASKETBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with