^

PM Sports

Phl team kinapos sa playoffs

Pang-masa

2018 FIBA 3x3 Under-23 World Cup

MANILA, Philippines — Sa kabila ng impresibong panalo sa huling dalawang laban nito ay kinapos pa rin ang Philippine 3x3 team na maka-sabit sa playoffs ng 2018 International Basketball Federation (FIBA) 3x3 Under-23 World Cup kamakalawa ng gabi sa Xi’an, China.

Matapos simulan ang World Cup sa dalawang dikit na kabiguan kontra sa Slovenia, 21-14 at Serbia, 16-21 ay bumawi ang Pilipinas nang umiskor ng da-lawang sunod na tagumpay upang magkaroon ng pag-asang makapasok sa knockout quarterfinals.

Sa pangunguna nina RJ Abarrientos at Ricci Rivero na nagtala ng siyam at anim na puntos ayon sa pagkakasunod, ibinaon ng Pilipinas ang Turkmenistan, 21-8, upang umangat sa 1-2 at mapanatiling buhay ang pag-asa sa playoffs.

Hindi na nagpaawat sina Abarrientos at Rivero nang muling giyahan ang bansa sa malaking 21-15 pagsilat sa wala pang talong China sa likod ng kanilang 10 at pitong puntos na produksiyon, ayon sa pagkakasunod.

Bunsod nito, umakyat sa 2-2 ang baraha ng Pinas at may tsansa pa sanang makaabante sa knockout quartefinals kung makakapuwersa ng mutiple-tie sa 2-2 kartada kasama ang China at Slovenia.

Subalit nanalo ang China kontra sa Serbia, 21-12 at Slovenia kontra sa Turkmenistan, 21-10 upang umabot sa 3-1 baraha na tuluyang nagsara ng pinto sa mga Pilipino.

Pumasok sa quarterfinals ang Slovenia at China habang nagkasya naman sa ikatlong puwesto sa Pool C ang Pilipinas na sinamahan din ni Jeepy Faundo at Rhayyan Amsali.

Nangulelat naman ang  Turkmenistan at Serbia na nagtapos sa parehong 1-3 baraha.

Gayunpaman, uuwi ng Pinas ang mga bataan ni head coach Ronnie Magsanoc nang nakataas ang noo matapos mapatunayan kaya nitong maki-pagsabayan sa mga world powerhouses ng 3x3 sa kabila ng maikling panahong paghahanda at hindi pa gaanong kasolidong koponan.

vuukle comment

PLAYOFFS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with