^

PM Sports

Solid pa rin ang TNT Katropa

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Solid pa rin ang TNT Katropa
Troy Rosario

MANILA, Philippines – Solido pa rin ang core ng contender na Talk ‘N Text matapos ang contract extensions ng apat na batikang manlalaro nito na sina Ryan Reyes, Kelly Williams, Anthony Semerad at Troy Rosario.

Binigyan ng mahahabang kontrata ang apat na pundasyon ng KaTropa core para sa misyon nilang maipagpatuloy ang pagbangon sa idinaraos na 2018 PBA Governors’ Cup.

Dating Most Valua-ble Player ng liga noong 2008, nabasbasan ang 36-anyos na beteranong big man na si Williams ng dalawang taong contract extension.

Ang Gilas Pilipinas stalwart naman na si Rosario ay nabiyayaan ng bagong kontrata na tatagal ng mahabang tatlong taon.

Matatandaang si Rosario ang pinili ng TNT bilang second overall pick noong 2015 Rookie Draft at buhat noon ay naging bahagi na ng contender na KaTropa core.

Isang taong kontrata  naman ang nakuha ni Reyes habang ang shooter na si Semerad ay nabigyan ng dalawang taong contract extension.

Dumagdag ngayon ang apat na manlalaro sa lider na si Jayson Castro na nauna nang nakasiguro ng contract extensions sa KaTropa na layong makabalik sa Finals na huli nilang nagawa noong nakaraang taon sa 2017 PBA Commissioner’s Cup.

Kamakailan lang ay pumirma si Castro ng dalawang taong bagong kontrata sa TNT kung saan siya na ang nagsilbing lider simula nang magretiro ang kanyang dating guro na si Jimmy Alapag noong 2016.

Mula sa 1-4 na simula ay nakasakay ngayon sa tatlong sunod na panalo ang KaTropa upang ma-kabalik sa playoffs race tangan ang 4-4 baraha.

Tangka ng TNT ang ikaapat na sunod na tagumpay kontra sa karibal na San Miguel sa Oktubre 20 sa Calasiao, Pangasinan.

Samantala, hindi iyon magiging madaling mis-yon dahil inaasahang hindi  pa rin makakalaro sina Jayson Castro at Semerad na parehong sumailalim sa bone spur removal operation.

vuukle comment

TNT KATROPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with