^

PM Sports

San Beda lalapit sa twice-to-beat

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hangad ng nagdedepensang San Beda Red Lions na makakuha ng playoff para sa twice-to-beat advantage sa Final Four habang asam ng St. Benilde Blazers na palakasin ang tsansang pumasok sa semis sa kanilang paghaharap ngayon sa pagpapatuloy ng 94th NCAA basketball tournament sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Tangan ang 13-1 win-loss kartada, haharapin ng three-peat seeking Red Lions ang Blazers sa alas-4 ng hapon pagkatapos ng laban ng Perpetual Help Altas at San Sebastian Stags sa alas-2 ng hapon.

Sa juniors division, magtatagpo rin ang San Sebastian Staglets at Perpetual Help Junior Altas sa alas-10 ng umaga na susundan ng pagtutuos ng San Beda Red Cubs at CSB Greenies na sisimulan sa alas-12 ng tanghali.

Kahit marami pang larong natitira sa second round ng elimination, pumasok na ang Lyceum Pirates (14-1) at San Beda (13-1) sa semis dahil hindi na sila kayang habulin pa ng St. Benilde na may hawak na 8-6 record ngunit puwede pang uma-bot sa 12 wins kung magagawa nilang ipanalo ang huling apat na laro.

Ang Letran na may 10-4 card at Perpetual Help Altas na may 9-5 slate ay puwede pang abutan ng Blazers kaya silang tatlo na lamang ang mag-aagawan sa huling dalawang semifinal slots.

Sa 4-10 record ng Arellano Chiefs  at San Sebastian Stags, tuluyan nang natapos ang kanilang pag-asa patungo sa susunod na round kagaya ng Mapua (4-11), Emilio Aguinaldo Generals (4-11) at Jose Rizal Heavy Bombers (2-13).

Kung magwawagi ang Red Lions sa Blazers ngayon ay muli silang aakyat sa sosyohan sa top spot kasama ang Lyceum sa parehong 14-1 record pero hindi pa rin sila sigurado sa twice-to-beat advantage sa Final Four dahil puwede pang umabot din sa 14 wins ang Letran para sa posibleng three-way tie sa liderato.

Sa una nilang pagtatagpo, nagwagi ang Perpetual Help Altas laban sa San Sebastian Stags, 78-76 noong Agosto 9 habang inilampaso ng Red Lions ang Blazers sa first round elimination, 75-69 noong Hulyo 24.

vuukle comment

NCAA BASKETBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with