^

PM Sports

TNT Nakatayo na uli

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Mabibigat na pagsubok ang huling tatlong laro ng TNT KaTropa sa PBA Governors Cup elimination round kung saan haharapin nila ang San Miguel Beer, Magnolia at Barangay Ginebra.

Tamang-tama naman ang nakatakdang pagbabalik ni Jayson Castro mula sa operasyon kung saan nilinis ang bone spurs sa kanyang paa.

Inaasahan siyang magdadagdag diin sa ratsada ng mga KaTropa mula sa masamang 1-4 start sa hu-ling komperensya ng 2017-18 PBA season.

Nakabangon ang TNT sa pagkakadapa dahil sa tatlong sunod na panalo kontra sa Columbian Dyip (118-114), Rain or Shine (110-104) at NorthPort (104-102).

Pero nanatili silang nasa gitna ng team standings tangan ang 4-4 record. Kailangan nilang paigtingin ang ratsada kung nais nilang tumapos sa Top Four at sumungkit ng twice-to-beat advantage sa quarterfinals.

“But first things first,” sabi ng bagong TNT coach Bong Ravena. “We’re a new team with a new system. Gusto lang muna namin na makita ang team putting energy and effort through 48 minutes. Whatever the result is, okay sa amin.”

Nalagay sa balag ng alanganin ang TNT kontra sa NorthPort noong nakaraang gabi pero hindi sumuko at nasungkit ang ikatlong sunod na panalo.

Sa post-game interview, pinapurihan ni Terrence Romeo ang kanilang Kiwi consultant na si Mark Dickel na aniya ay hindi nawala ang tiwala sa kanila kahit na nalubog sa 23-point deficit.

Halatang-halata naman na active coaching ang trinatrabaho ni Dickel sa TNT bench. Pansin din na tumutulong mula sa likod ng bench si Ateneo coach Tab Baldwin.

* * *

Patuloy naman ang struggle ng San Miguel Beer habang nanatili sa sidelines si June Mar Fajardo dahil sa injury.

Pero mahirap iisangtabi ang mga Beermen dahil inaasahang babalik si Fajardo bago matapos ang tournament. At mukhang matibay na matibay ang magiging kumbinasyon ni Fajardo at ng bagong SMB import na si Kevin Murphy.

“Hindi namin siya kilala. Ngayon kilala na namin. Ang galing pala,” ani Magnolia coach Chito Victolero kay Murphy na tumikada ng 37 points sa kanyang unang laro sa PBA.

‘Yun nga lamang, dapa ang SMB sa Magnolia, 108-109.

vuukle comment

PBA GOVERNORS CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with