^

PM Sports

Letran solo pa rin sa 3rd

Francisco Cagape - Pang-masa
Letran solo pa rin sa 3rd
Si Bong Quinto ng Letran laban kay JP Maguliano ng EAC.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Sumandal ang Letran Knights sa kanilang second stringers laban sa Emilio Aguinaldo Generals upang masungkit ang 91-82 panalo kahapon at manatili sa solo third spot sa pagpapatuloy ng 94th NCAA basketball tournament sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

 

Minalas ang mga top gunners ng Knights na sina Bong Quinto at JP Calvo, ngunit sumaklolo naman sina Koy Galvelo, Fran Yu at Jeremiah Taladua para angkinin ang pang-siyam na panalo at palakasin ang hawak sa ikatlong puwesto sa likuran ng nangu-ngunang San Beda Red Lions at Lyceum Pirates na kapwa tangan ang parehong 12-1 win-loss kartada.

Muntik nang maubos ang 19 puntos na kalama-ngan ng Knights sa ikatlong yugto sa rally na binitiwan ng Generals pero agad humataw si Taladua ng limang sunod na puntos para manatili ang Letran sa unahan.

“Good win for us. At least kahit papaano, one game ahead pa rin kami sa St. Benilde. Pero hindi pa rin kami puwedeng maging complacent.

“Bawal kaming matalo. Sana maganda ang resulta sa mga susunod na mga laro namin,” sabi ni Letran coach Jeff Napa.

Umani si Taladua ng 15 puntos, anim na rebounds at dalawang steals habang si Gavelo ay tumapos din sa parehong 15 puntos at 13 naman mula kay Yu sa loob lamang ng anim na minuto na paglalaro.

“Yung opensa namin nawala kay Quinto (Bong) at Calvo (JP), pero nanatili naman akong confident dahil nag-stepped up na naman ‘yung iba kaya itong tatlo na ito na sina Taladua, Gavelo at Yu ay gumawa ng instant offense para sa amin,” dagdag ni Napa.

Sa ikalawang laro, pinatumba ng University of Perpetual Help Altas ang Jose Rizal Heavy Bombers, 85-73 para umangat sa sosyohan sa pang-apat na puwesto kasama ang St. Benilde Blazers sa parehong  8-5 slate. Ang JRU ay  nabaon sa 2-12 card.

vuukle comment

BASKETBALL

LETRAN KNIGHTS

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with