^

PM Sports

Ika-2 panalo ng San Miguel

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Ika-2 panalo ng San Miguel
Si Arwind Santos ng San Miguel laban kay import Akeem Wright ng Columbian Dyip.

MANILA, Philippines – Itinagay ng San Miguel Beer ang ikalawa nitong panalo sa tatlong salang nang lunurin ang Columbian Dyip, 143-119 sa pagpapatuloy ng 2018 Philippine Basketball Association (PBA) Governors’ Cup kagabi sa Smart-Araneta Colisuem.

Subalit hindi ito naging madali dahil kinaila-ngan pa ng Beermen na kumalas sa makulit na Dyip sa first half at sa katunayan naiwan pa sa 64-66 ang San Miguel pagkatapos ng first half bago ipakita ang tunay na bangis sa krusyal na third quarter kung saan tuluyan na nilang iniwanan ang Dyip sakay ng mainit na 43-18 kartada.

Hindi na nagpaawat pa ang Beermen nang palobohin pa ang kalamangan hanggang 32-puntos tungo sa malaking panalo.

Bunsod nito, umakyat na sa 2-1 ang kartada ng San Miguel papalapit sa kalagitnaang bahagi ng season-ending conference.

Nanguna para sa balanseng atake ng Beermen si Arwind Santos na pumukol ng 29 puntos sa likod ng pitong tres sahog pa ang limang rebounds at apat na tapal.

Hindi naman nagpahuli ang nagbabalik na Gilas Pilipinas player na si Marcio Lassiter sa ibinuslong 28 puntos kasama pa ang pitong assists.

Hindi man nakaiskor ng malaki sa ngayon sa 16 na puntos lamang na naitala, kumubra naman ng 17 rebounds at 11 assists ang import na si Arizona Reid para sa malaking triple double sahog pa ang anim na steals.

Sa kabilang banda, hindi naman sumapat ang 28 puntos ni Jackson Corpuz gayundin ang tig-22 puntos nina import Akeem Wright at Jerramy King para sa Dyip na nahulog sa ibaba ng team standings sa hawak na 0-6 kartada.

Susubok naman ang Beermen na makaganti sa sister team na Ginebra bukas habang hangad ang unang panalo ng Columbian kontra sa Magnolia sa Oktubre 3.

 

vuukle comment

SAN MIGUEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with