^

PM Sports

Blackwater mapapalaban

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ito na ang isa sa pinakamabigat na laban ng Blackwater.

Makikipag-agawan ang Elite sa nagdedepensang Ginebra Gin Kings sa panalo para sa solong liderato sa kanilang upakan ngayong alas-7 ng gabi sa 2018 PBA Governor’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Sa alas-4:30 ng hapon ay magkikita naman ang San Miguel Beermen at Columbian Dyip.

Kapwa nagdadala ng magkatulad na 3-0 record ang Ginebra at Blackwater at parehong pupuntiryahin ang kanilang ikaapat na sunod na panalo.

“They want to face Ginebra on Friday coming off a win,” pahayag ni coach Bong Ramos matapos ang kanilang naitalang come-from-behind 113-111 win ng Elite laban sa NorthPort Batang Pier noong Miyerkules. “It’s a character-building and test for us.”

Muling ipaparada ng Ginebra si resident import Justin Brownlee kasama sina Team Pilipinas flying forward Japeth Aguilar at guard Scottie Thompson, LA Tenorio, Joe Devance at Sol Mercado.

Itatapat naman ng Blackwater sina NBA veteran Henry Walker, Team Pilipinas center Poy Erram, John Pinto at Mike DiGregorio.

“We’ve got a monster on Friday. They are the measuring stick of the PBA so we will see where we are at on Friday,” wika ni Walker sa pagsagupa ng Elite sa Gin Kings.

Sa inisyal na laro, target naman ng San Miguel ang kanilang ikalawang panalo sa pagsagupa sa minamalas na Columbian na hindi pa nananalo sa kanilang unang limang asignatura sanhi ng kanilang pakikisosyo sa ilalim sa NorthPort.

Nakalasap ang Beermen ng 100-103 kabiguan sa Elite samantalang nagmula ang Dyip sa 114-118 pagkatalo sa TNT Katropang Texters sa kanilang mga huling laro.

vuukle comment

PBA GOVERNOR’S CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with