^

PM Sports

Sasakit ang ulo ni Yeng

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ngayon pa lang ay sumasakit na ang ulo ni head coach Yeng Guiao sa paparating na hirap ng kanyang desisyon sakaling maging full-force ang Gilas Pilipinas sa susunod na window ng 2019 International Basketball Federations (FIBA) sa Nobyembre.

Iyan ay dahil inaasahan na ni Guiao ang paglobo ng kanyang kasalukuyang 16-man training pool sa hanggang 20 mahigit na katao bunsod ng napipintong pagbabalik ng mga suspendidong manlalaro.

Tatlong laro ang suspensyon ng mga orihinal na Gilas players na sina Troy Rosario, Jayson Castro, Terrence Romeo maging ang naturalized player na si Andray Blatche kaya’ hindi pa makakalaro kontra sa Kazakhstan sa Nobyembre 30.

Ngunit sa higanteng bakbakan nila kontra sa Iran sa Disyembre 3 ay puwede na silang sumabak ulit.

Bukod sa naturang apat na manlalaro, maaaring makapaglaro na rin ang twin towers na sina June Mar Fajardo at Greg Slaughter matapos magpagaling sa kanilang shin at left ankle injury, ayon sa pagkakasunod, na siyang kukumpleto sa pinakamalakas na national training pool sa kasaysayan ng Philippine basketball.

“Ang hirap mag-decide ng 12 dahil nakita mo nang magpakamatay ‘tong mga ito para sa cause ng national team,” ani Guiao. “So, ayoko muna isipin dahil ngayon pa lang nahihirapan na ako.”

Subalit magandang problema naman ito para sa kanya dahil magiging malawak at marami ang kanyang pagpipilian upang makapabuo ng malakas na koponang tangkang makasikwat ng silya sa papalapit na World Cup sa susunod na taon sa China.

Ito ay lalo na’t parehong home games ang magiging laban ng Pinas kontra sa Kazakhstan at Qatar.

vuukle comment

YENG GUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with