^

PM Sports

Mapua sinilat ang St. Benilde

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Umiskor ng tig-anim na puntos sina Justin Serrano at Laurenz Victoria sa huling limang minuto ng laro upang pangunahan ang Mapua Cardinals sa 86-83 upset win laban sa St. Benilde Blazers kahapon sa pagpapatuloy ng 94th NCAA basketball tournament sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Muntik ng masayang ang kanilang 15 puntos bentahe sa ikatlong yugto nang agad sumaklolo sina Serrano at Victoria para pigilan ang asam ng Blazers na masungkit ang solo third spot.

Sa anim sunod na puntos ni Serrano muling uma-ngat sa unahan ang Cardinals, 73-72 at itinuloy ni Victoria ang matikas na laro upang angkinin ang kanilang ika-apat na panalo sa 12 na laro at ihulog ang Blazers sa pang-apat na puwesto sa 7-5 win-loss kartada.

“‘Yung sistema namin gumana na. ‘Pag maganda ‘yung sistema, maganda ang pasahan. Hindi maiiwasan ang pagkakamali pero babawi rin at babawi,” sabi ni Mapua head coach Atoy Co.

Tumapos si Victoria ng 16 puntos na may kasamang anim na rebounds at anim na assists habang si Serrano ay umani ng 12 puntos, limang rebounds, apat na steals at dalawang blocks para sa tropa ni coach Co na nakuha ang unang back-to-back panalo matapos ang 81-79 panalo sa Jose Rizal Heavy Bombers noong Huwebes.

Sumandal naman ang Perpetual kay Prince Eze at sa nagbabalik na si Edgard Charcos upang igupo ang Arellano, 57-45.

vuukle comment

CAA BASKETBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with