^

PM Sports

Gilas Pilipinas wagi sa Qatar

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Gilas Pilipinas wagi sa Qatar
Hindi na nagpaawat pa ang Gilas buhat doon nang makapagtayo pa ng hanggang 16 puntos na kalamangan tungo sa malaking 92-81 na panalo.
FIBA.com Photo

MANILA, Philippines — Kahit walang homecrowd, nanaig pa rin ang Gilas Pilipinas kontra sa dayong Qatar, 92-81 upang mapatatag ang kapit sa ikatlong puwesto ng Group F sa 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers kagabi sa ginanap na closed-door game sa Smart-Araneta Coliseum.

Subalit hindi ito naging madali dahil nabaon pa ng hanggang 17 puntos, 20-37, ang Gilas sa first half bago nga magising sa second half.

Naiwan pa sa halftime, 39-52, bumalikwas ang Gilas sa third quarter sakay ang 28-12 ratsada upang agawin ang kalamangan, 67-64 papasok sa huling kanto.

Hindi na nagpaawat pa ang Gilas buhat doon nang makapagtayo pa ng hanggang 16 puntos na kalamangan tungo sa malaking 92-81 na panalo.

Bunsod nito, nakabawi agad ang Pinas sa 73-81 kabiguan sa Iran noong Huwebes.

Solido na ngayon ang tangan ng Gilas sa ikatlong puwesto hawak ang 5-3 kartada sa likod ng Australia (7-1) at Iran (6-2).

Nakaalagwa rin sila mula sa Japan (4-4), Kazakhstan (3-5) at Qatar (2-6).

Nanguna sa atake ng Gilas sina Japeth Aguilar at Alex Cabagnot na may tig-16 puntos habang may 13 at 11 puntos din sina Stanley Pringle at Beau Belga.

Mula sa 22,000 na capacity ng Big Dome, 220 lamang ang nanood sa laban na binubuo ng 80 media, 30 Gilas team staff, 30 Qatar team staff, 30 FIBA/Table officials at 50 VIP officials.

vuukle comment

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with