^

PM Sports

Thompson, Cabagnot, na-extend

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Thompson, Cabagnot, na-extend

MANILA, Philippines — Patuloy ang pagbuhos ng biyaya para kina Scottie Thompson at Alex Cabagnot.

Ito ay matapos ma-bigyan ng contract extension kasabay ng kanilang pagrerepresenta sa pambansang koponan na Gilas Pilipinas.

Kagagaling pa lang sa magilas na kampanya sa national team, mahahabang contract extensions ang natanggap nila Thompson at Cabagnot sa koponang Barangay Ginebra at San Miguel Beer, ayon sa pagkakasunod.

Bagama’t sa pagtatapos pa ng idinaraos na 2017-2018 Philippine Basketball Association season magtatapos ang kontrata ng rising superstar na si Thompson, binabasbasan na agad siya ng Gin Kings ng pambihirang tatlong taong contract extension.

Ito ay dahil sa mala-king papel na ginagampanan ni Thompson sa unang Commissioner’s Cup championship ng Barangay Ginebra sa loob ng 21 taon nang tanggalin sa trono ang dating kampeon na San Miguel.

Sa naturang serye na pinagwagian ng Gin Kings, 4-2 ay ang 2015 PBA Draft sixth pick na si Thompson din ang tinanghal na Finals Most Valua-ble Player na siyang nagpapatatag lalo sa bansag sa kanya bilang susunod na ngang hari ng Barangay.

Edad 25-anyos pa lamang, ang dating National Collegiate Athletic Association (NCAA) Most Valuable Player mula sa sa Perpetual na nga ang isa sa pinakamakinang na bituin ng PBA bunsod ng tatlong kampeonato na agad sa ikatlong taon niya pa lamang sa liga bukod pa ang pagkakasama ngayon sa national team.

Ang beterano naman na si Cabagnot ay na-bigyan din ng dalawang taong contract extension kahit pa sa susunod na taon pa mapapaso ang kontrata nito sa Beermen.

Bahagi ng 35-anyos na si Cabagnot sa tinaguriang ‘Fabulous Five’ ng Beermen ni head coach Leo Austria na siyang dahilan nga ng paghahari ng Beermen sa PBA bunsod ng anim na kampeonato sa nakalipas na 11 conferences.

Mula nang makuha bilang second overall pick ng Sta. Lucia noong 2006 PBA Draft ay malayo na ang narating ni Cabagnot na kinatampukan pa nga ng Finals MVP noong 2017 Commissioner’s Cup.

Hindi pa inaasahang magwakas iyon lalo’t hindi nagpapakita ng indikasyon si Cabagnot ng pagbagal sa pagkakasali niya nga sa Gilas Pilipinas sa unang pagkakataon sa kanyang karera.

vuukle comment

ALEX CABAGNOT

SCOTTIE THOMPSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with